SalomonIi 34dx YSs
Si Salomon o Solomon (Ebreo: Shlomo) ay, ayon sa Ebreong Bibliya, isang hari ng Israel at ayon sa Koran, isang propeta, anak ni Dawud (David) at kilala bilang Sulayman o Sulaiman. Ang mga kuwento ng Bibliya ay nagkikilala rin sa kaniya bilang anak ni David.[1] Siya ay tinawag rin na Jedidiah sa 2 Samuel 12:25, at inilalarawan bilang pangatlong hari ng Pinag-isang Monarkiya, at ang huling hari bago nang pagkakahati nito sa dalawa bilang hilagang Kaharian ng Israel (Samarya) at timog na Kaharian ng Juda. Pagkatapos ng paghihiwalay, ang kaniyang mga supling ay namuno sa Juda lamang.
Ang Ebreong Bibliya ay tumutukoy kay Salomon bilang nagtaguyod ng Unang Templo sa Jerusalen,[2] at inilalarawan siyang dakila sa katalinuhan, kayamanan at kapangyarihan ngunit sa huli ay bilang isang hari na ang mga pagsasala ay naging sanhi ng pagkakahati ng kaharian sa dalawa noong pamamahala ng anak niyang si Roboam.[3] Si Salomon ay naging paksa ng marami pang ibang mga salaysay at alamat.
Kaharian ni Solomon[baguhin | baguhin ang batayan]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
- Mga Kawikaan
- Eclesiastes
- Awit ng mga Awit
Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
- ↑ http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?artid=129&letter=T
- ↑ Peter J. Leithart, A House for My Name, 157, Canon Press, 2000.
Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Israel ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.